April 18th, 2008

Saudi Boy!! Yaho.

Tanong nyo kung bakit yaho? kasi hindi ako ganun kasaya ehehehe... pero ok naman din kasi at least hindi na ako tambay. pero malayo naman sa pamilya.. kaso walang magagawa para din naman sa kinabukasan ang aking ginagawa hehehe... nakaka 2 months na ako, 16 months na lang at uuwi na ako, 2 months akong nakaligtas sa mga arabong namumuwit nyahahahaha...

 

ok naman ang lagay ko dito, para akong militar, gumigising ng 430 para kumain, maligo at pumasok sa trabaho.. sa ethylene plant ako nagtratrabaho.. ako ay isang pipefitter, isang propesyon na akala ko ay simple pero may pagkakomplikado din pala.. may trigonometry at pythagorean theorem pang kasama ang lintek.. pero nakakatuwa naman kasi natututo na naman ako ng bagong bagay at pagbalik ko ng pinas e mas madaming oportunidad ang papasok para sa akin..

sabi nila mahirap daw sa saudi.. mahigpit, matindi ang mga batas, kakaiba ang kultura at paraan ng pamumuhay.. totoo yang lahat hehehe... pero kahit paano makakagalaw ka pa rin naman ng maayos maliban sa bawal tlga ang alak. meron ditong san miguel beer na non alcoholic kung gusto mong lokohin ang sarili mong umiinom ka hehehe.. o kaya naman ang sikat na sikat na SADIQI or SADIQUE kung gusto mong isugal ang buhay mo sa alak na ginawa lang ng mga kapwa ko OFW dito.. :D

matagal tagal pa ako dito, pero sana maging maayos ang pagstay ko dito.. ginagawa ko itong lahat para sa tagumpay!! at para makapagsimula na ako ng aking sariling pamilya hehehe.. tama na muna ang tambay tambay, ipagpapatuloy ko na ang aking buhay hehehe.. pero hindi mawawala ang aking mga kaibigan kong katulad nyo sa buhay ko.. parte na kayo ng existence ko sa mundong to hehehe... apir!!!

Sinulat ni renperona sa oras na 07:34 PM | 4 dutdot/s

February 11th, 2008

And Now.. The End is Near..

2 weeks na lang mga kapatid

 

punta na ako disyerto

 

waaaaaaaaaaa!!!

 

 

ano kaya mangyayari sakin? 

Sinulat ni renperona sa oras na 09:30 PM | 10 dutdot/s

January 29th, 2008

Ang Tagal na diba?

ang tagal ko na simula nung huli akong mapadpad dito sa tabulas... ung last e nung august pa.. maliban dun sa post ko yesterday... ang dami na nangyari sa buhay ko since the last time na nag log in ako dito..

1. naging bassist na ako ng Bataan thrash metal band na Blackhole Inc.. nakatugtog na kami ng ilang gigs sa Manila (Mayrics at Center for Arts Timog) at dito sa Bataan.. Hindi naman ako magaling.. I'm just doing my part and i'm loving every second of it.. hehehe..

2. nalagpasan ko na ang pinakamalaking challenge sa buhay ko.. ang magbagong buhay at magkaroon ng panibagong relasyon.. at nangyari nga... nakaka 1 year and 11 days na kami.. akala ko nga hindi ako tatagal e.. akala ko mababasura na naman ang isang relasyon na sinimulan ko.. salamat sa kanya at tinutulungan nya akong buuin lahat ng dreams ko at very supportive sya sakin.. mahal na mahal ko ang taong un.. ^^

3. all of a sudden, im into contemporary jazz, reggae, emo and other subgenres of it, and classical music (walang wala sa linya ng mga pinapakinggan ko hahaha).. pero pili pa din naman ung pinapakinggan ko.. eto tingnan nyo na lang ung mga titles ng pinapakinggan ko para malaman nyo na sobrang diverse talaga hehehe:

*Contemporary jazz:
George Benson - I Just Want to Hang Around You
Karla Bonoff - Standing Right Next to Me
David Benoit songs
Sergio Mendes songs

*Reggae:
Katchafire - Collie Herb Man
Bob Marley - Jammin'

*Emo and other related music:
Fallout Boy songs
Coheed and Cambria songs
Dashboard Confessional songs

*Classical music:
Ludwig Van Beethoven - pathetique
Johann Pachelbel - Canon in D
W. A. Mozart - Requiem
etc..

^^
 
basta namiss ko mag blog dito sa tabulas.. kahit medyo kumonti na ang mga tao at mga kakilala ko dito, dito ko padin gustong maglagay ng aking mga kuro-kuro, saloobin, katarantaduhan, kalokohan, katangahan, at kakornihan.. hehehe.. \m/ 
 
******************************

at eto ang tribute pic para sa pinakamamahal kong girlfriend.. Thank you for all the loving.. I love you so much.. ^^
 

Sinulat ni renperona sa oras na 11:30 PM | 4 dutdot/s

« | »