ANG BAON AT ANG PAGKAWALA MO
Haaaysss.... at isa pa uling mas mahabang haaaaaaaysssss.... ang gulo!... kung kailan akala ko magiging okay na kami dahil wala na sila mas marami na ang nakikialam sa nangyayari sa'min at hindi namin basta basta pwedeng ipagwalang bahala yung mga komento ng mga taong yun dahil sila mismo ang nakasaksi at patuloy na nakakakita ng unti-unti naming pagkahulog sa isa't isa... at magulo rin syang mag-isip...
Kahapon sa bahay na naman sya umuwi dahil lasing sya... napipikon ako sa kanya dahil bigla na lang syang nagsabi na magbo-boyfriend na lang daw sya dahil yun naman daw ang tama... nakakainis!!! tapos nung nakahiga na kami, tsaka nya sinabi kung bakit ganun sya mag-isip... kinausap sya nun friend nya at pinagsabihan... sinabi nya kase yung tungkol sa'kin... tapos kinausap din pala sya ni mommy shei before umuwi... hindi sila against sa nangyayari pero hindi rin sila pabor... wrong timing nga siguro na dumating ako sa buhay nya habang on the rocks ang relasyon nila ng pare nya... tapos ako pa yung tinakbuhan nya nung naghiwalay sila at sa'kin pa talaga sya umiyak... sabi ni mommy shei, "pabayaan mo munang gumaling yung sugat... hindi yung pinapagaling mo nga yung sugat mo pero gumagawa ka na uli ng panibagong sugat..." Tama naman talaga si mmomy shei eh... Pero naisip din ba nila na tinutulungan ko nga si SAnjo na gumaling... pero pakiramdam ko ako naman ang nasusugatan sa nangyayari... mahirap din para sa'min ni Sanjo yun dahil may nasimulan na rin kami... Nasa gitna na nga eh... tapos biglang kailangan tigilan para mag-isip muna... Ang hirap iwasan ang isa't isa para magkaroon kami ng space mag-isip kung palagi naman kaming nagkikita at magkasama... pero if this is what it takes to make her at peace, papabayaan ko muna syang mag-isip kahit mahirap sa'kin... napaiyak na naman ako... lagi na lang akong umiiyak sa harapan nya... pakiramdam ko ang hina hina ko kapag kasama ko sya... mas nararamdaman ko na babae ako kapag kasama ko sya kumpara kapag totoong lalake ang kasama ko... try namin kung kaya namin bumalik sa dati... yung friends lang talaga... yung walang hugs and kisses... hindi na rin sweet... di na rin muna sya pupunta sa bahay... sana kayanin ko... sana kayanin namin... sana makapag-isip sya... sana pabor sa'kin yung maging desisyon... ayoko syang mawala sa'kin... hindi ngayon... selfish nga rin siguro ako... tulad ng sinasabi nya na selfish din sya... pero kailangan nya muna gumaling sa sugat na binigay ni pare bago kami maging ayos... hindi ko alam kung maghihintay ako o papabayaan ko na lang uli kung saan ako dadalhin ng agos ng buhay...
Tapos kanina, ang lungkot lungkot nya habang nakatingin sa'kin during our team meeting... Gusto ko syang tanungin kung ano ang problema pero kailangan na namin mag-log in... kinausap nga sya ng team leader namin dahil nakitang malungkot sya eh... tapos kinuwento nya rin sa'kin nung break namin... ayun... tapos nag-vgh sya at nagpaalam na may aayusin lang pero babalik sya... iniwan pa nya sa'kin yung baon nya... so, akala ko babalik sya... pero hindi nangyari... natapos ko na nag shift, nag-text na ako sa kanya pero walang Sanjo na dumating... Wala rin reply sa text ko... malakas pakiramdam ko na yung pare nya ang pinuntahan nya... Ewan ko ba... siguro kailangan ng closure... O siguro aayusin nila uli yung relasyon nila... Pakiramdam ko malulunod na ako... sa lungkot at pag-aalala... sana naman magparamdam sya para makatulog ako... kung bumalik sya dun sa pare nya sana bigyan nya rin ako ng closure... para hindi ako nakabitin sa alanganin... 
Currently feeling: worried
Sinulat ni omiko sa oras na 09:42 AM sa IT World | pick yer nose


